Cyber-crime bills tinutulan ng solon

TUTOL ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list group sa pagpasa ng mga panukalang batas na umano’y pipigil sa mga cyber-crime na nakabimbin sa Kamara de Representantes.

Sinabi ni ACT Rep. Antonio Tinio na isasangkalan lamang ng awtoridad ang panukala oras na maging batas ito upang pasukin ang pribadong komunikasyon ng mga indibiduwal.

“The proposed bills will give law enforcement authorities sweeping powers to intrude into the private communications of individuals in the name of fighting so-called cybercrimes,” ayon kay Tinio sa pagdinig ng House committee on information and communications technology.

Kasalukuyang dinidinig ng komite ang may anim na panukalang batas ukol sa cybercrimes, kabilang ang House Bill 383 na inihain ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ani Tinio, pinoprotektahan ng Bill of Rights ang “inviolability of private communications and correspondence” ng bawat mamamayan.

Ayon kay Tinio, nakapaloob sa mga panukalang batas ukol sa cybercrime na maaaring kolektahin, irekord at magkaroon ng access sa pribadong komunikasyon kahit walang kautusan mula sa korte. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply