D-League teams dumarami

UMAABOT na sa 14 na kompanya ang nagpahayag ng kanilang interes na lumahok sa Philippine Basketball Association’s Developmental League (PBA D-League).

Tatlo sa team ang nagkumpirma na ng kanilang partisipasyon sa inaugural staging ng liga sa March 15, 2011.

Ayon kay PBA operations manager Rickie Santos, kumpirmado na ito dahil nakipagkita na si league commissioner Chito Salud sa mga team representatives sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

“We have set a deadline of Feb. 15 for teams to submit their letter of intent,” pahayag ni Santos .

Ang mga lalahok na team ay kinailangan lamang magbayad ng P300,000 para makasali sa torneo na tatagal hanggang June 9.

Kabilang sa mga interesado ang PC Gilmore, Maynilad, Fitwell Nutraceuticals, Inc., Hapee Toothpaste, Handyfix/Max Bond, Metro Pacific Tollways, ANI-FCA, Powerade, Pacific Pipes at Ever Bilena. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply