Daang milyon natipid ng bansa sa pagtanggal ng ‘negotiated contracts’

UMABOT na sa ilang daang milyon ang natipid ng pamahalaan mula ng tanggalin ang mga “negotiated contracts” sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inaasahan na mas malaki pa ang malilikom na pondo sa pagtitipid na ito sa iba pang public bidding sa buong bansa, ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson.

Umaabot sa 29 proyekto na ang nagagawa ng ahensya mula ng mawala ang “negotiated contracts,” 25 sa mga ito ay mga proyekto matapos ang pananalasa ng bagyong Ondoy at bagyong Peping na tinawag na Post Ondoy and Post Pepeng Short Term Infrastructure Rehabilitation Projects (POPSTIRP).

Ang 25 na POPSTIRP na mga kalsada at tulay at mga flood control projects  ay may aprubadong budget na P1.084 bilyon subalit ng buksan sa publiko ang bidding ay nakuha ito sa halagang P838.8 milyon kung kaya’t nakatipid ang pamahalaan ng P245.3 milyon.

Kinansela din ni Singson  ang 19 na POPSTRP “negotiated contracts” na may halagang P934.1 milyon.

Ang dalawa pang proyekto sa ilalim ng Urgent Bridges Construction Project for Rural Development na may aprubadong budget na P989.55 milyon ay bumaba sa bidding ng P925.79 milyon para makalikom ng sobrang P64.76 milyon ang pamahalaan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply