Dagdag na taon sa pre-school isinulong

IMINUNGKAHI kahapon ni Senador Ralph Recto sa Department of Education na pre-school ang dagdagan ng taon sa halip na ang elementarya at sekondarya.

Ayon sa senador, ang dapat umanong bigyan ng pansin ng DepEd ay ang pre-school dahil mapaghahandaan ng mga ito ang kanilang formal schooling sa elementarya at sekondarya.

Binigyang-diin ni Recto na mismong ang DepEd ang nagsabi na mas maraming nahihinto sa pag-aaral mula grade 1, 2 at grade 3 na kung saan 42% sa mga ito ang hindi pa rin handa sa pagpasok sa grade 1.

Giit ng senador, mas dapat paghandaan ng mga es-tudyante ang kanilang kinabukasan sa larangan ng pag-aaral kung sa pre-school pa lang ay marami na itong ma-tututunan.

Dumalo rin ang senador sa pagdinig ng “K plus 12” education program at iba pang educational-related measures.

Ayon kay Recto, sa ilalim umano ng kanyang bersyon ng “K2 plus grade 7,” kailangang may dalawang taong pre-school education ang isang estudyante sa pama-magitan ng pag-eenrol ng nur-sery at kindergarten bago ito mag-enrol sa grade one para tapusin ang grade 7. –Vicky Cervales

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply