Dagdag P3 sa singil sa tubig haharangin sa Kongreso

HAHARANGIN ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang nakatakdang pagtataas ng P3 sa singil ng tubig sa Pebrero 16 hangga’t hindi nakapagsasagawa ng pagsusuri ang Commission on Audit sa financial records sa dalawang concessionaires ng MWSS.

Kinondena ni Herrera-Dy ang Metro Manila Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) sa pag-aapruba sa 10 porsiyentong dagdag singil sa tubig ang Manila Water Company at  Maynilad Water Services Inc. simula Pebrero 16.

“It is time for COA to step into the picture.  Officials of the MWSS-RO have shown their true colors when, instead of explaining to the public how they arrived at a decision to allow water rates hikes, they downplayed the impact of their unconscionable decision,” ayon kay BH.

Naunang inihayag ni Chief regulator Manuel Quizon ng MWSS-RO na ang dagdag singil ay hindi naman aniya magiging pabigat sa taumbayan.

Ang pag-aapruba sa water rate ay ginawa ng MWSS matapos ang pagtataas sa pamasahe ng MRT, LRT maging ng tollfee sa NLEX, SLEX at SCTEX.

Ikinairita naman ni Herrera-Dy ang pahayag ni Quizon at inakusahan nito ang MWSS-RO ng niniligaw ang publiko sa totoong epekto ng pagtaas sa singil sa tubig nang walang ” publicconsultation. ” Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply