Dagdag-pasahe posibleng bumaba uli

MAAARING boluntaryo o kusang loob na muling ibaba ng Pasang Masda ang pamasahe kung magkakaroon ng rollback sa presyo ng krudo.

Ito ang sinabi ni national president Pasang Masda Obet Martin kasabay ng paghingi ng pang-unawa sa pagpapatupad ng pisong dagdag pasahe sa jeepney simula Pebrero 2.

Nilinaw ng ilang transport group na ibinabalik lamang nila ang 2008 na inaprubahan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) kung kaya hindi na nagkaroon pa ng public hearing.

Matatandaang umalma ang National Council for Commuters Protection (NCCP) sa ginawang pagtataas sa pasahe ng mga PUJ.

Inaangal ng NCCP ang hindi pagdaan ng naturang pagpapatupad sa public hearing kaya binabalak nilang maghain ng apela.

Nabatid naman kay LTFRB spokesperson Sonia del Mundo na handa sila sa anumang apela ng ilang sektor na hindi sang-ayon sa naturang hakbangin. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply