Dagdag pasahe sa bus inalmahan ng LTFRB

INALMAHAN ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag pasaheng hirit ng bus operators na ipapataw sa mga pasaherong sumasakay na naturang transportasyon sa Metro Manila.

Ayon sa pahayag ni LTFRB Board member Atty. Manuel Iway, masyadong mataas ang P5 dagdag singil sa pasahe na nais ipataw ng bus operators sa mga pasahero.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Iway na pag-aaralan nila ang petisyon lalo na ang mga dokumentong ipinasusumite nila sa grupong Inter-BOA.

Batay sa petisyon ng Inter-BOA, nais nilang gawing P14 ang minimum fare sa ordinary bus mula sa P9 habang sa aircon bus ay nais gawing P17 ang minimum fare mula sa kasalukuyang P11.

Maliban dito, may hirit pa sa dagdag singil sa succeeding kilometer ng biyahe.

Ikinatwiran ng bus operators sa hirit sa dagdag na singil sa pasahe ay dahil sa patuloy na pagtaas ng pretrolyo at mataas na halaga ng spare parts ng sasakyan. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply