Dagdag pork barrel binatikos

TINUTULAN ni Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos ang panukala sa Kongreso na nagnanais madagdagan ng milyun-milyong piso ang pork barrel ng mga kongresista at mga senador.

Binatikos ni Pueblos ang panukala ni Quezon Rep. Danilo Suarez at nagpahayag ng pangamba hinggil sa posibilidad na mapupunta lamang sa tiwaling mambabatas ang pera ng bayan, gayung milyun-milyong mga Pinoy ang nagugutom sa bansa.

Hinamon din ng Obispo ang mga mambabatas na huwag nang tumanggap ng pork barrel upang patunayang sinsero ang mga ito na tulungan at paglingkuran ang mamamayan.

Ayon kay Pueblos, dapat ilaan na lamang ang pondo ng bayan sa mga ahensya ng pamahalaan na direktang tumutugon sa pangangailangan ng mga mahihirap na Pinoy.

Una nang inihain ni Suarez sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill 4069 na naglalayong dagdagan ng P20 milyon ang pork barrel ng mga kongresista habang P60 milyon naman sa mga senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply