Dahil 10 seconds na lang ang exposure: RR Enriquez lumayas sa ‘Banana Split’

INAMIN ni RR Enriquez na nag-resign na siya sa ‘Banana Split’ nu’ng Tuesday. Napansin niya at ng rumored boyfriend niyang si Jayjay Helterbrand na 10 seconds na lang  ang exposure niya sa naturang gag show nu’ng Sabado. Kulang na raw sa exposure kung saan pati ang segment na ‘Balitang Siksik’ at “Show It’ ay nawala na rin siya. Halos hindi na siya makita.

Ang sabi raw ni Jayjay, napupuyat ka sa pagti-taping tapos 10 seconds lang ang makikita sa iyo. “Napaisip ako. Oo nga no? Bigla akong nawala sa segments ng  ‘Balitang Siksik, sa ’Show it.’ Di ba original naman ako diyan at nasa main cast. Kumonti ang exposure ko kaya kinausap ko si Mama Bear. Nagpaalam ako na kung puwede..tutal wala naman akong ginagawa, aalis na lang ako. Pero in fairness sa kanila, ayaw nila akong paalisin at naramdaman ko ang pagmamahal nila sa akin.”

Pinabulaanan niya na may kaaway siya sa cast ng ‘Banana Split’ kaya nag-resign siya. “Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tsismis na ‘yan. Actually, ang kausap ko pa lang dun ay si Mama Bear (Cynthia  Jordan, Business Unit Head  ng BS) at mga directors namin. Nag-text muna ako kay Mama Bear at nag-taping nu’ng Tuesday. Tapos kinausap ko sila.

“Sinabi po nila sa akin na may one week pa ako to decide kasi in fairness ayaw naman nila akong pakawalan. The reason is medyo marami na kami sa ‘Banana Split’ and then marami pong mga bago dun kaya umisplit na lang po ako.

“May mga segment po ako dun na nawala po ako. Parang ang feeling ko parang hindi na ako napapansin. Hindi po ako nagtampo or whatever. Maintindihin po akong tao.Hindi po ako ganun kababaw para magtampo o magalit sa kanila. Naisip ko lang po na  siguro it’s about time na mag-give way po sa mga baguhan tutal ako ay nabigyan din nila ng chance na magkaroon ng exposure. ‘Yun po talaga ang dahilan. Wala po akong kagalit dun. Mahal ko po ang ‘Banana Split’ family,” deklara niya.

“Actually, eto naman ang ipinaintindi nila sa akin  na hindi naman ako palaging may portion,e!  Sa sobrang dami namin ay hati-hati na siguro ako, hindi lang nasanay. Nu’ng una nga may mga exposure ako na ganun karami tapos biglang nawala so, hindi lang ako nasanay. In fairness kasi, hati-hati naman talaga.”

“Sinabi rin ni Mama Bear na nagkulang din naman sila at hindi nila napansin. Sabi nga niya, mabuti raw sinabi ko sa kanila. Na-feel ko naman sa kanila na ayaw nila akong paalisin. Sabi nila, baka naguguluhan lang ako, baka masyadong magulo ang utak ko at nag-decide ako nang bigla-bigla. Sabi nga ni Mama Bear, wala naman daw akong  kapalit dahil hindi naman ako naging pasaway sa kanila. Pero ‘yun nga ang naisip ko talaga. Sa sobrang dami naming parang nakalimutan na talaga nila ako,” kuwento pa niya.

Bagama’t may kontrata pa siya sa Banana Split, mapapawalang-bisa naman ito at ino-honor daw nila kung  ayaw na ng talent at mutual nilang napagkasunduan ito.

“Pinag-iisip nila ako ng one week pero nag-decide ako na titigil na talaga ako,” aniya pa.

Anyway, nawala man si RR sa ‘Banana Split’ may dalawa pa rin siyang show. Kasama siya sa  ”Precious Hearts Romances present Mana Po” na pinagbibidahan nila Melai Cantiveros at Jason Fransisco na mapapanood na sa Febuary 21 sa Dos

Meron din siyang show na “Pa Bida Ka”  na  kasama sina Aaron Atayde tuwing Friday night sa Studio 23.

*****

Kinuha namin ang side ng Business Unit Head ng ‘Banana Split’ na si Cynthia Jordan sa pagre-resign ni  RR  sa naturang gag show ng ABS-CBN 2.

“Kahit kami ay nagulat sa desisyon niya. And when we talked last Tuesday evening kasi nag-resign siya sa text, na ang feeling ko that’s not how you should do things kasi kung may isyu na kailangang i-clarify,pag-usapan natin kasi baka meron siyang naiisip na hindi naman talaga ganoon.

“So, nag-usap kami. Ang parang napagdesisyunan namin ay pag-isipan niya hanggang this weekend. So, nagulat lang kami na may nakuha kaming text from the handler (Thursday morning) na ayaw na niya talaga. So I said, I will respect her decision.

“Hindi namin siya tinanggal.Wala kaming rason para tanggalin siya. Nalulungkot lang kami na parang ang lumalabas kasi ay kami ang nagkakalat na natanggal na siya sa Banana Split, na hindi naman. Kasi for us, mananahimik na lang kung meron namang pagkakaunawaan, bakit pa namin palalakihin? Kasi parang tampuhan ito ng isang magkakapamilya,” kwento ni Mama Bear.

Tinatanggap na ba ng Banana Split ang resignation ni RR? “Ayaw kong mamilit ng tao,e! kung ayaw niya. Mahirap kasi magtrabaho ang isang tao kapag ayaw mo na. Ngayon kung anuman ang rason niya, iintindihin na lang namin,” deklara ni Mama Bear.

Kung 10 seconds lang daw ang napanood kay RR nung nakaraang Sabado  dahil birthday presentation ‘yun ni John Prats. Naka-concentrate talaga ang show kay John. Mahaba naman daw ang exposure niya sa ‘Banana Split Daily Servings’ na napapanood araw-araw.

Hindi rin daw nila unti-unting tinatanggal si RR dahil nu’ng nag-leave siya at magpunta sa States ng isang buwan ay pinabalik pa rin siya. Sana  ginawa na nilang dahilan yun para hindi na siya nakabalik sa show.

Hindi rin daw siya tinanggal sa “Balitang Siksik” dahil ‘yung buong segment ang nawala. Ipinalit nila dito ang “Ang TV Patrol” na ang casting dun ay apat.

“’Yung apat, kukunin ko ‘yung pinakaposte namely Pooh, Angelica Panganiban, Pokwang at John Prats.”

“Walang intensiyon ‘yun para bawasan siya. Kung nawalan man siya ng segments sa studio, ang dami niyang segments sa backpack na siya mismo ang makaka-attest. Hindi talaga namin maintindihan kung bakit ganoon ang nangyari.

Sino ang ipapalit ngayon kay RR at kay Melai Cantiveros na nag-resign na rin dahil hectic na ang schedule?

“Walang ipapalit. Maggi-guest-guest lang. Nakakapagtampo lang na bumibitaw pero walang concrete na rason, kasi yung mga sinabi niyang rason ay na-explain ko na sa kanya. Klinaro ko na sa kanya na walang ganun,” sey pa ni Mama Bear. Roldan Castro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply