Dahil sa double meaning lines sa ere: John Estrada ipinasususpinde

HALOS wala pang isang Linggo sa ere ang bagong noontime show ng ABS CBN na Happy..Yipee..Yehey..ay malamang na ma memohan agad ng MTRCB ang pamunuan ng nasabing tv network.

May ilang portion kasi sa noontime show na maaaring makasama sa panonood ng mga bata tulad ng conetst nilang My Girl na halos nahuhubaran na ang mga babaeng kasali. Bukod pa dyan, ang isang dancer nila na taga-abot ng resulta ng mananalo ay nagtataas pa ng damit at ipinakikita ang tiyan na umaalon-alon na akala moy nakapatong kung saan at siyay sarap na sarap.

Pero ang higit na salarin na siya ring inirereklamo na ng ilang staff ng show ay ang walang patumanggang pagsasalita ni John Estrada ng may double meaning lalo pat kaharap nito ang mga babaeng contestant sa My Girl.

Sabi nga, mukhang nagkamali daw ang ABS CBN sa pagkuha kay John para sa nasabing noontime show na halos walang bago sa mga pinagsasabi si John as one of the main hosts pa mandin. Gasgas at mga lumang pagpapatawa na rin ang kanyang mga sinasabi na halatang ginagaya nya ang style ni Willie Revillame.

Ayon nga sa isang taga-loob ng production, hindi kakayanin ni John ang style ni Willie. Ibang klaseng mag- host si Willie at si Willie lang ang makakagawa noon.

Sana naman daw pag-isipang mabuti ni John kung ano ang kanyang mga sasabihin dahil matatalino na ang mga batang manonood na alam na nila ang may double meaning at iwasan na niya ang pagtatanong sa mga babaeng contestant nila na…nasasarapan ka ba sa talong? May experience ka na ba? etc..etc…hoy John Estrada, maghunos dili ka sa mga sinasabi mo sa katanghaliang tapat at tiyak hindi ka sasantuhin ng MTRCB na agad kang ipasususpindi o ipatatanggal sa show na Hapi..ek ek..at magsu-show kang mag-isa sa bahay nyo ng..Hu..hu..hu..waaaaa!

MARIE SANTIAGO, IPAKIKILALA SA ‘HOSTAGE KO MULTO’

ISA sa pinakaaabangang bagong mukha sa malaking telon ay ang 18 years old na vocalist ng The Daybreaks na si Marie Santiago. Hindi na nga masasabing bago sa showbiz si Marie dahil sa pagiging mahusay niyang mang-aawit na kadalasan ay naiimbitahan ang band nilang The Daybreaks na umawit sa ibat-ibang tv shows. Bukod pa dyan, naging regular TV host din siya sa channel 33.

Napakaganda ni Marie na kadalasan ay napagkakamalan siyang si Sarah Geronimo o di kaya ay si RC Munoz. Pero, kadalasan, madalas siyang pagkamalang si Sarah dahil sa malaking pagkakahawig ng dalawa.

Proud naman si Marie dahil idol naman niya talaga si Sarah pero, sabi nga niya mayroon naman siyang sariling identity na nakakahiya naman kung lagi na lamang siyang ikukumpara kay Sarah.

Nasa second year high school daw siya nuon ng matuklasan ng Simzone Entertainment Production ni Sam Madrid na umaawit bilang church choir member at napasama siya sa The Daybreaks band as vocalist.

Napasabak na rin siya sa recording kung saan ang grupo niyang The Daybreaks ay gumawa na ng album two years ago na ang kanilang mga awitin ay naging hit naman.

Sa ngayon, si Marie Santiago ang gumaganap na leading lady ni Smokey Manaloto sa indie movie ng Hostage Ko Multo na dinirehe ng batikang direktor na si Jun Cabreira. Hindi raw niya akalain na ang sikat at iniidolo niyang si Smokey Manaloto ay magiging leadingman niya. Aside from that, kasama rin nila sa movie ang batikang aktor/direktor na si Jun Urbano, Lea Ledesma, Ryan Madrid  na ka member niya sa The Daybreaks.

Malaki ang pasasalamat ni Marie sa Simzone Production sa pagbibigay sa kanya ng break sa recording at pelikula. In fact, aside kay Lea Ledesma ay siya rin ang kumanta ng Hostage Ko Multo na siyang theme song ng nasabing movie rin na Hostage Ko Multo na pine-play na sa mga FM stations. Charlie Lozo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply