Dahil sa kalasingan Mico Palanca nangmura ng pulis, nakasuhan

KAKALOKA naman itong si Mico Palanca na nagwala daw diyan sa San Juan ng sitahin ng mga pulis.

Imbes nga raw makiusap dahil sa pagmamaneho nito ng lasing at walang lisensya ay ito pa raw ang galit.

Maayos naman daw ang pagtatanong at magalang ang pagpigil sa sasakyan ni Mico at hindi naman inaasahan ng mga kapulisan ng San Juan na ganun ang iaasal ni Mico.

Gravecious daw na pagmumura na hindi makakain ng aso ang pinag-ngangawa ni Mico sa mga kapulisan na umaresto dito kamakailan lang sa San Juan.

Dahil naman sa iskandalo na ginawa ni Mico sa mga kapulisan ng San Juan, patung-patong na kaso ang isinampa sa kanya ng San Juan police na umaresto sa kanya.

Till now, daw ayon sa aming tsismosang kapitbahay ay nagmamatigas pa rin itong si Mico at ayaw pa rin magpakumbaba at patuloy sa pagnga-ngawngaw ng mga bad words sa mga kapulisan.

Hindi na nga raw nirespeto pa ni Mico ang uniporme ng kapulisan ng San Juan at ganun-ganun na lang daw kung sila ay mura-murahin ng pasigaw nitong kapatid ni Bernard Palanca.

Lasing nga lang daw marahil kaya nadala ito ng kanyang emosyon kaya naman niya nabastos ang napagsabihan ng mga masasakit na salita ang mga arresting officer na pulis ng San Juan.

Harinawang maayos na rin ang gusot na kinasasangkutan ni Mico at pulis San Juan.

Abangan!

****

Regalo ni Kris kay PNoy di na magdadaldal;Bagong GF ayaw ibuking

TIKOM na nga ang bibig ni Kris Aquino at ayaw na nitong maging madaldal. Eto raw ang regalo niya sa para sa kaarawan ng kanyang kuya
kung saan ay nagkaroon sila ng salu-salo.

At siyempre happy si Kris at kasama ng kanyang kapatid na si PNoy ang babaing nail-link dito ngayon.

Sa edad na 51 ay inaasahan naman ng mga kapatid na babae ni PNoy na lalagay na ito sa tahimik pero hindi pa daw pupuwedeng ibuking.

Regalo daw ni Kris kay PNoy ang kanyang pananahimik at ayaw na nitong panghimasukan muna dahil bertdey nito.

Kilalang-kilala daw itong bagong girlash na nali-link sa Pangulo na bukod sa mahal niyang luxury car ay love na love daw talaga ng kapatid ni Kris ang girl na ito.

Malapit na nga raw madulas si Kris kung sino ba ang girl na apple of the eye ng kanyang kapatid.

Isa lang naman ang masasabi ni Kris na iba na ngayon ang kanyang Kuya dahil bakas ang kasiyahan at kasiglahan.

Kaya sa edad nitong 51 ngayon ay payag na silang magpakasal ang Pangulo. Hindi na raw nila tututulan ito at todo-todo na nga raw ang suporta nila kay PNoy.

Marami ngang nangungulit dito kay Kris na mga ka- friendship niya kung sino nga ba ang lucky girl na kina-iinlaban ng kanyang kapatid.

“Secret,” ito lang naman ang tugon ni Kris at kanyang pananahimik ay gift na raw niya sa kanyang kapatid.

‘Yun na!Jovi Lloza

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply