Dalaga na-trap sa sunog sa Tondo todas

NATUSTA ang 19-anyos na dalaga matapos sumiklab ang sunog sa kanilang bahay sa Tondo, Manila, Linggo ng hapon, Pebrero 20.

Kinilala ang biktima na si Angeline Rose “Bambi”  Lising, ng 969 San Lorenzo Ruiz st., Katamanan Tondo.

Batay sa ulat, nagsimula ang sunog sa tahanan ng pamilya Lising 4:30 ng hapon.

Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga pamatay sunog ay kaagad na naapula ang apoy pero hindi nakaligtas ang dalagita nang ma-trap sa kanyang kwarto.

Iniimbestigahan na kung ano ang pinagmulan ng sunog. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply