Dalaga tangkang gahasain, binata lamog sa taumbayan

LAMOG ang isang trike driver matapos kuyugin ng taumbayan makaraang makahingi ng saklolo ang isang factory worker na tangkang gahasain ng suspek sa Arkong Bato, Valenzuela City, iniulat Huwebes, Pebrero 3.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong attempted rape at physical injury na si Valentino Domingo, 38, ng 125 Vella Francillo st., Polo.

Nagharap naman ng reklamo ang biktima laban sa salarin kasama ang ilang nagmalasakit na ginang sa lugar na itinago sa  pangalang  Edwina  Mae, 22, ng  Brgy. Malinta Valenzuela.

Sa imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk, 12:30 ng hatinggabi ng Miyerkules, Pebrero 2 nang sikmuraan ng suspek ang biktima habang naglalakad pauwi sa isang eskinita sa nasabing lugar.

Nang mawalan ng malay ay isinakay ni Domingo ang dalaga sa tricycle at matapos ang halos dalawang oras na paikot-ikot ay ibinaba ng suspek ang dalaga sa isang madilim na lugar.

Dito na pinaghihimas ng suspek sa maseselang bahagi ng katawan ang dalaga.

Nang bumalik ang malay ay agad nagsisisigaw si Edwina Mae na nakaagaw pansin naman sa mga gising pa sa lugar, dahilan kaya nilamog ang suspek. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply