Dalagang ina nagnakaw ng puso ng saging, bawang

NAHAHARAP ngayon sa kasong theft ang isang dalagang ina matapos na tangayin ang tatlong pirasong puso ng saging sa isang palengke Sabado ng umaga, Pebrero 26, sa San Juan City.

Kinilala ng pulisya ang inasunto na si Annabelle Pablo, 36 anyos, walang trabaho, residente ng No. 44 Narciso st. Brgy. Corazon de Jesus ng nasabing lungsod.

Si Pablo ay inireklamo ng vegetable stall owner na si Felipe Tampoc, 49 anyos, may asawa, residente naman ng Lot 81, Brgy. Sta Ana, Taytay, Rizal.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa Agora market, San Juan City.

Nabatid sa record ng pulisya na biglang itinakbo ng suspek ang mga puso ng saging nang malingat ang bantay dahilan para magkaroon ng habulan.

Nakorner si Pablo sa tulong ng iba pang mga tindera sa nasabing palengeke at dinala sa himpilan ng pulisya.

Narekober sa kanyang pag-iingat ang tatlong piraso ng puso ng saging na nagkakahalaga ng P50 at dalawang piraso ng bawang na nagkakahalaga naman ng P10. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply