Dalagita, 15, hinalay ng sekyu

ARESTADO ang isang sekyu makaraang pagsamantalahan ang 15-anyos na babae sa Quezon City.

Pormal nang nagharap ng kaso sa Quezon City Police District (QCPD) station 11 ang biktima, na itinago sa pangalang “Mariz.”

Kinilala naman ni P/Supt. Edgardo Pamitan Hepe ng nasabing himpilan ang suspek na si Rey Taguba, 33, security guard, na nadakip nitong Biyernes, Pebrero 25.

Unang hinalay ang biktima noong Pebrero 21 sa loob ng kanyang bahay at naulit ito kinabukasan.

Ang pagbabanta umano ng suspek ang pumigil sa dalagita na magsumbong sa kanyang mga magulang kaya nagawa ng sekyu na lurayin ang biktima.

Nadakip ang suspek nang tangkang muling halayin ang dalagita nitong Pebrero 23, alas-3 ng hapon, habang naglalaba sa loob ng kanilang bahay.

Nang pasukin umano ng suspek ang dalagita ay nanlaban na ang biktima.

Tumakbo palabas ng bahay ang biktima at humingi ng tulong sa awtoridad, na agad namang dinakip ang suspek.   James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply