Dalagita patay sa sunog sa Capiz

PATAY ang 3rd-year high school na dalagita nang masunog ang dalawang bahay  sa Hemingway st, Barangay 11, Roxas City.

Putol ang kamay, ulo at paa nang makita ang sunog na bangkay ni Jacky Cabania Pantaleon, habang sugatan naman ang ina at kanyang kapatid.

Ayon sa imbestigasyon, na-trap si Pantaleon sa ikalawang palapag ng kanilang bahay  nang agad na kumalat ang apoy.

Samantala, nagtamo naman ng second degree burn ang ina ng biktima na si Marilyn Pantaleon, at nasugatan sa binti ang kapatid na si Mary Jane, makaraang tumalon sa bintana.

Ayon sa initial investigation ng Roxas City Bureau of Fire Protection, posibleng short circuit ang pinag-ugatan ng sunog na tinatayang umabot sa P1.3 million ang mga ari-arian na napinsala. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply