Dalawang opsyon sa repatriation ng OFWs sa Egypt

SA PATULOY na kaguluhan sa Cairo, Egypt dalawang opsyon ang nakikita ng Embahada ng Pilipinas upang makauwi na ang mga overseas Filipino woker (OFW) sa Pilipinas na naiipit sa kaguluhan doon.

Ayon kay Eduardo Malaya, ang tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs (DFA), maaaring by land o by air ang pwedeng gawing daan ng mga uuwing OFWs.

Sinabi ni Malaya na maaaring gumamit ng eroplano o kaya ay bumiyahe sa lupa papunta sa kalapit na bansa gaya ng Israel, Jordan at mula sa mga bansang pwedeng makapagbiyahe pabalik sa Pinas.

Naiulat nitong nakaraang araw na inatasan na ng DFA ang Philippine Embassy sa Cairo, Egypt na magsagawa ng arrangements para sa repatriation ng mga OFW na nais umuwi ng bansa.

Samantala, umaabot na sa 55 tawag ang natanggap ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) mula sa pamilya ng OFWs sa bansa tungkol sa kalagayan ng kanilang kamag-anak sa Egypt. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply