Dambuhalang kompanya inangalan ng Pinoy workers

PINALAGAN ng isang Filipino manpower company ang sinasabing panghaharass nito sa Samsung Electronic Philippines Corp. (SEPCO) matapos  ang illegal recruitment sa 700 empleyado.

Giit ng Temps and Staffers Inc. (TSI) na binaligtad daw ng SEPCO ang kanilang kompanya sa mga  press release nito sa isang pahayagan upang palitawin na panghaharass lang  ang mga kasong kanilang isinampa laban sa dambuhalang kompanya. Sa paglalahad ng TSI, simula 2005, sila ang nagbibigay sa SEPCO ng mga tauhan upang magpromote ng kanilang electronic products para mapalago ang kanilang negosyo.

Dahil sa mga trained na tauhan ng TSI, mula P2.8B noong 2007 lumago sa P7.2B ang benta ng SEPCO noong 2010.

Bunsod nito ay ikinagulat ng TSI  ang anunsyo ng SEPCO noong May 2010 na hindi na sila magre-renew ng kontrata sa Filipino manpower company. Kaya nagdesisyon ang regional office ng Samsung na kunin ang kanilang manpower sa SD Human Tech ng isang Koreano. Iginiit ng TSI na bagama’t nakalulungkot  ang desisyon ng Samsung, handa silang tanggapin ang desisyon at ililipat na lang ang kanilang mga empleyado sa ibang proyekto.

Subalit bilang isang manpower company, iginiit ng TSI na ang kanilang mga tauhan  ang itinuturing nilang main assets kaya’t dahil sa iligal na pagkuha sa kanilang  mga tauhan, pinapatay ng SEPCO ang kanilang negosyo.

Nilinaw naman ng kompanya na suportado nila ang polisiya ni Pang. Noynoy Aquino na papasukin ang mga dayuhang investor at sa katunayan, karamihan sa kanilang mga kliyente ay multinational companies.

Gayunman ay ipinaglalaban lamang nila ang kanilang mga karapatan at nais lamang nila ng hustisya sa pang-aabuso ng  multinational corporations tulad ng Samsung.- Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply