Dambuhalang sperm whale patatayuan ng museum

PATATAYUAN ng moseo sa harap ng munisipyo ng Silago, Southern Leyte ang dambuhalang sperm whale.

Ayon kay Manuel Labrador, alkalde ng Silago, Southern Leyte, ang nasabing sperm whale ay napadpad sa karagatan ng Silago na tinatayang may 52 feet ang taas.

Taong 2000 nang mapadpad umano ang balyena sa kanilang lugar na agad ding namatay dahil sa mga sugat sa katawan.

Iprineserba ang mga buto ng whale na ngayon ay naka-display sa labas ng munisipyo ng Silago.

Ayon pa sa alkalde, pinag-aaralan na ng mga opisyal ng bayan kung saan ipatatayo ang museum ng sperm whale.

Dagdag pa ng alkalde, nangangalap na rin sila ng pondo para agad maipatayo ang museum na aniya ay maaaring makatulong sa pag-unlad ng turismo sa kanilang lugar.Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply