Dangwa dinadagsa na ng mamimili

ILANG araw bago pa bago sumapit ang araw ng mga puso ay dagsa na ang mga tao sa Dangwa, Sampaloc upang mamili ng mga naggagandahan at makukulay na  bulaklak a ipamimigay sa kani-kanilang mahal sa buhay.

Inaasahan pang darami ang dadagsang mamimili sa lugar habang papalapit ang Valentine’s Day.

Ayon sa ilang mga flower owners sa Dangwa, dapat umanong agahan ng mga maimili ang pagbili ng bulaklak upang hindi na maipit pa sa pagdagsa ng mga tao lalo na sa Pebrero 14.

Magugunita na sa nakaraang Valentine’s Day ay nagtungo ang ilang kawani ng Department of Health (DoH) sa nasabing lugar upang mamahagi ng condom  sa mga magkasintahan at mag-asawa habang lollipop naman para sa mga nasa menor de edad pa.

Kinondena ito noon ng Simbahang Katoliko kung kaya’t hindi na umano ito gagawin ng DoH. Sa halip, pinaaalalahanan na lamang ng ahensya ang mga mamamayan hinggil sa kahalagahan ng safe sex upang makaiwas sa panganib ng HIV/AIDS. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply