Ex-secretary Reyes nagbaril sa sarili sa harap ng puntod ng magulang

NAMATAY na si dating secretary Angelo Reyes dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng puso dakong 8:32 ng umaga, Martes Pebrero 8 sa Quirino Memorial Medical Center, Quezon City.

Ayon sa official statement na inilabas ni Enrique Ona, kalihim ng Department of Health, dakong 7:30 ng umaga nang isugod si Reyes sa nasabing ospital dahil sa pagbabaril sa sarili. Wala ng pulso at malamig na  si Reyes nang  idating sa ospital.

Pinilit pang i-revive ng mga doktor si Reyes ngunit makalipas ang halos 40 minuto ay binawian ito ng buhay.

Una rito ay galing si Reyes sa Loyola Memorial Park sa Marikina upang dalawin ang puntod ng magulang kasama ang kanyang dalawang anak, isang security aid at driver.

Ayon sa mga kasama niya, pinalayo pa sila ni Reyes bago ito umupo sa tabi ng puntod ng ina, naghubad ng sapatos  at nagbasa pa ng libro.

Nagulat na lamang nang makarinig ng malakas na putok ng baril at nakita nilang nakabulagta na si Reyes na inakala nilang may bumaril dito. Linda Bohol/Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply