Dating P.A. ni Jennylyn Mercado na nakulong, kinaawaan

ALAM kaya nina Jennylyn Mercado at manager nito na si Becky Aguila na marami ang nakisimpatiya kay Mel Pulmano nang mapanood ito at magsalita sa Showbiz Central.

Umiiyak ang dating personal assistant ni Jen dahil nasaktan ito sa mga naging pahayag ng actress.

Nanindigan si Mel na walang katotohanan ang mga kasalanan na ibinibintang ng actress na naging dahilan ng pagkakakulong ng dating alalay.

Hindi biro ang dalawang taong pagdurusa sa bilangguan ni Mel na ganoon din katagal itong nawalay sa kanyang mga mahal sa buhay partikular na sa kanyang anak na umiiyak din na humarap sa telebisyon para sabihin ang dinanas na kalungkutan nilang magkakapatid magmula nang makulong si Mel.

Anyway, sa kabila ng mga masasakit na sinabi ni Jen ay malaki pa rin ang paniwala ni Mel na wala sa puso ng actress ang mga naging pahayag nito laban sa kanya. Mahal pa rin daw niya ang dating alaga.

****

Wish ni Anne Curtis, role na pang-award

WISH ni Anne Curtiz na makagawa naman ng pelikula na pang-award, para makilala siya bilang mahusay na drama actress. Pero, wala naman siyang reklamo sa mga romantic/comedies na ginagawa niya for the past two years.

“Sinabi kasi sa akin na dito muna ako mag-concentrate, which is okay for me kasi bagay naman daw sa akin. The past movie I did were all great and they all made money naman, di ba?

“But I also want to do more challenging roles. It`s been a long time since I did a serious movie. The last serious film I did was Baler and I won a best actress award sa Metro Manila Film Festival that year.

“I`ve been watching a few Hollywood movies lately at may mga nagustuhan akong gawin na roles. I told Viva na I want to experiment in acting. May hinahanda naman silang project for me na magugustuhan ko at babagay sa akin,” pahayag ni Anne.

Tinatapos ni Anne ngayon ang isang pelikula na leading man niya ang past boyfriend na si Luis Manzano na medyo natagalan ang pagtapos dahil kababalik lang niya from Korea dahil nag-taping siya ng ilang episode ng kanyang bagong TV series na “Green Rose” with Jericho Rosales na mapapanood na sa Lunes, Pebrero 14.

****

MASAYAHIN at masarap kausap si Direk Dominic Zapata kasi bukod sa marami kang makukuhang balita ay walang itong off the record statement.

Sa huli naming pag-uusap,  ay walang kaartehanG inamin niyang siya ang ibina-blind item na lalaking nagpapaligaya ngayon kay Eugene Domingo.

Si Direk Dominic kasi ang nagdi-direk ng “Comedy Bar” nina Eugene at Allan K every Saturday ng gabi sa GMA-7 kaya sila naging super close ni Uge. Tapos nagkasama pa sila sa Dubai for some shows.

Pero kaagad namang sinabi ni Uge na friend lang sila ni Direk Dom at hindi naman raw ito nanliligaw sa kanya. Natutuwa si Uge na lahat ng naging director niya ay puro gay maliban lang kay Direk Dom na tunay na lalaki.
Biro naman ni Direk Dom kay Uge:”Hindi ka nakakasiguro sa akin.” Gerry Ocampo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply