Dating Sen. Mar Roxas tutulak patungong Taiwan

NAKATAKDANG tumulak   ngayong Lunes si dating Sen. Mar Roxas ang umano’y “private person” na inatasan ng Pangulong Benigno Aquino III para magsilbing emisaryo ng gobyerno sa Taiwan.

Sa kabila nito, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte na hindi pa umano nito natanong sa Pangulong Aquino ang tungkol sa appointment ni Roxas.

Magugunitang sinabi mismo ng Pangulo na isang pribadong tao ang ipapadala nito sa Taiwan para ipaliwanag ang posisyon ng Pilipinas kaugnay sa ginawang pag-deport sa 14 na mga Taiwanese sa mainland China.

Umalma ang  Taiwan sa Pilipinas dahil sa pag-deport ng gobyerno sa naturang mga Taiwanese.

Samantala, pinagpapaliwanag naman ng Malacañang si Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez matapos mapabalitang humingi ito ng paumanhin sa Taiwanese government kaugnay sa isyu ng pagdeport ng Pilipinas sa 14 na mga Taiwanese sa mainland China.

Sinabi ni  Valte na  inaalam pa nila mula sa MECO kung totoong mayroon itong binitawang statement kaugnay sa paghingi ng sorry.

“We’re trying to confirm that, kasi so far we’ve been getting conflicting reports. Gusto naming i-confirm sa MECO kung ano po talaga ang naging statement,” ani Valte.-D’Jay Lazaro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply