Davao pineste ng mga daga,8 barangay nasa state of calamity

INILAGAY na sa state of calamity ang walong barangay sa Paquibato, Davao makaraang atakehin ng mga daga ang pananim ng mga magsasaka noon pang nakaraang buwan.

Ayon sa City Agriculture Office, 1,391.96 ektarya ang apektado sa pagdami ng mga daga sa mga pananim na tinatayang 4,038 na ang bilang ng mga magsasaka na naapektuhan ng peste.

Apektado na rin ang kabuuang produksyon ng mga magsasaka sa nasabing lugar kung saan bumaba ito ng 3,855.8 metric tons.

Kabilang sa mga barangay na apektado ang mga Barangay Salapawan, Lumiad, Colosas, , Tapak, Mapula, Paradise Embac, Fatima, Pandaitan.

Inaasahan ng mga magsasaka na tutulungan sila ng loal na pamahalaan sa kanilang problema. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply