De Lima binara ni Lacson

LANTARANG binara ni Sen. Panfilo Lacson ang naging pahayag ni Justice Secretary Leila De Lima hinggil sa desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagbabasura sa kasong double murder at pagbawi ng warrant of arrest ng senador.

Sa ipinalabas na statement nitong Sabado, Pebrero 5, sinabi ni Lacson na dapat itigil na ni De Lima ang brutal na pangangatuwiran nito sa interpretasyon ng desisyon ng CA na nagbabasura sa kaso laban sa kanya partikular na ang Dacer-Corbito double murder case.

“Secretary Leila De Lima should stop using brute reason in interpreting the Court of Appeals ruling dismissing the case against me which she claimed she has not even read,” ayon sa statement na ipinalabas ng tanggapan ng senador.

Sa kanyang pahayag, ipinaalala pa ni Lacson kay De Lima na dapat nalalaman ng butihing kalihim na walang ibang puwedeng bumawi sa desisyon ng CA kundi ang Supreme Court na siyang pinakamataas na hukuman sa bansa.

“Let me remind her that in a civil and common law system like ours, the hierarchy of courts places the Supreme Court  at the highest level and is therefore the sole authority to reverse the Court of Appeals in its ruling and decision – not any of the lower courts of the land, and certainly not the Secretary of Justice,” giit ni Lacson.

“The Appellate court has ruled that there is no probable cause to indict me for two counts of murder and categorically nullified the warrant of arrest that the Manila RTC Brancj i18 issued against me. De Lima cannot place herself above any court of law, otherwise the justice system become defective and worse, will self-destruct,” paliwanag sa statement.

Inamin naman ni Lacson na hindi pa pinal ang pagbabasura sa kaso dahil maaari pang bawiin o baliktadin ng naturang korte o ng Supreme Court na sinusunod ang tama at akmang alituntuning legal at pamamaraan.

“While I submit that the case dismissal is not yet final, as it may still be reconsidered by the same Court of Appeals division or can be reversed by the Supreme Court following proper legal rules and procedures, the same ruling clearly nullified the warrant of arrest which De Lima wants to defy by ordering the continue of manhunt,” paliwanag ng senador.

“I and my family have suffered long enough for a crime I did not commit. I appeal to her not to confuse the public with her flawed and ill-advice legal opinion. It is hitting below the intellect but is inflicting the damage that some of her prosecutors have intended to achieve to cover up for their malicious prosecution,” pagtatapos ni Lacson. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply