Deadline ng Kamara inisnab ni Gutierrez

INISNAB Lunes, Pebrero 28, ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang impeachment complaint na nakahain laban sa kanya sa Kamara.

Ayon sa report, balik sa Korte Suprema si Gutierrez para maghain ng mosyon sa pagtanggal ng status quo ante order upang ipagpatuloy ng Kongreso ang impeachment proceedings laban sa kaniya.

Ani Gutierrez, sa Marso 5 pa dapat ang huling araw ng paghahain niya ng sagot sa House committee on justice kaya mali ang pagbibigay sa kaniya ng deadline ng mga mambabatas.

Ayon naman kay Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., House justice committee chairman, hanggang kahapon na lamang nila dapat tatanggapin ang sagot ng Ombudsman dahil nakonsumo na ang pitong araw noong Setyembre 2010 para sa paghahain nito ng tugon.

Noong nakaraang linggo naman ay naubos na rin umano ang tatlong araw na palugit sa kaniyang sagot.

Ayon naman kay Deputy Speaker Erin Tañada, binigyan nila ng sapat na panahon si Gutierrez upang sumagot ngunit binalewala umano ang kanilang mga mensahe kaya uusad na umano ang pagdinig ng komite sa dalawang reklamo laban sa kanya. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply