DECS officials anim na buwang suspendido sa noodle scam

IPINAG-UTOS ni Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez na isailalim sa anim na buwang preventive suspension ang mga opisyal ng Department of Education Culture and Sports (DECS) na ngayon ay Department of Education (DepEd) na may kinalaman sa kontrobersiyal na noodles scam.

Ang mga suspendido nang walang sahod ay sina DEPED  Undersecretary na noon ay BAC Chairman Teodosio Sangil Jr.; dating BAC Vice-Chairperson Demetria Manuel; dating BAC-members na sina Nanette Mamoransing, Macur Marohombsar at Artemio Capellan, Jr.; at noon ay Deped OIC  Ramon Bacani.

Ang naturang mga opisyal ay nahaharap sa kasong administratibo dahil sa kasong Dishonesty, Grave Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, Gross Neglect of Duty at paglabag sa Office Rules and Regulations.

Bukod dito, sila ay kinasuhan din ng 2 counts ng paglabag sa Sec 3(e) at (g) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act); Violation of Art II, Sec. 7 (2) ng RA 9184 (Government Procurement Reform Act); at Rule III, Sec I ng RA 7394 (Consumers Act of the Phils).

Sa resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman’s Field Investigation Office (FIO), sinasabing ang naturang mga opisyal ay nakagawa ng maanomalya at irregular procurement ng “Fortified Instant Noodles with Fresh Eggs” para sa DepEd’s “Food for School Program” noong  2007 at  2008.

Hindi rin umano nakonsulta ng DepEd ang BFAD, Department of Health o anumang ahensiya ng pamahalaan kaugnay ng pagbili ng ahensiya sa noodles na may itlog. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply