Del Monte, Southwoods banta sa Canlubang

BANTA umano sa  Canlubang team ang Del Monte at Manila Southwoods sa championship division ng 64th Interclub regular men’s tournament sa Del Monte Golf Club course sa Bukidnon.

Ang The Country Club (TCC), na second-placer noong 2009 at 2010 editions, ay una nang umatras sa tournament, dahilan naman upang lumakas ang pag-asa ng Sugar Barons ng Canlubang sa kanilang paghahangad na makuha ang kanilang sixth straight title.

Si Rolly Viray ay makakasama sina fellow senior Dave Hernandez, Abe Rosal, Gabriel Manotoc, Mico Ochoa, Rupert Zaragosa, Art Arbole, Joey Huerva, Jobim Carlos at Paul Echavez subalit makatatapat din nila ang Del Monte na siyang 2004 champs.

Malakas din naman umano ang puwersa ng Manila Southwoods na sasamahan nina Vince Lauron, veterans Junjun Plana at Teody Pascual. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply