Delayed na pasuweldo inaalmahan ng empleyado

ANG delayed na pagpapasuweldo sa regular employees ng munisipyo ng Rosario, Cavite ang bigyan natin ng pansin ngayon. Parang may tinitingnan sa tinititigan daw ang city treasurer sa munisipyo rito.

Hindi ko lang alam kung may kinalaman ang butihing alkalde ng Rosario na si Mayor Nonong Ricafrente sa pinaggagawa ng kanyang city treasurer.

Mayroon man o wala dapat lang na busisiin ni Mayor Ricafrente kung bakit nade-delay ang pagpapasuweldo sa regular employees nito.

Mayor Ricafrente, basahin ninyo ang text message nila.

Gudam, Sir Johnny Magalona. Tungkol  ito sa delayed na pagpapasuweldo sa regular employees ng munisipyo ng Rosario, Cavite.

Ang mga malalakas lamang sa mga taga-city treasurer’s office ay ang pinasusuweldo nila.

Kami po na mga walang padrino ay dine-delay nila ganung pare-pareho lamang kami na nagtatrabaho.

Tulungan ninyo kami, Sir, na makarating ang aming  reklamo sa kinauukulan.

Maraming salamat po!!
Alliance of Concerned Employees of Rosario!!!

STL bookies pulis ang operator

Pinatatakbo ng isang pulis na may alyas na Vergara ang bookies ng STL sa  bayan ng Agoncillo, Batangas.
Ibang klaseng pulis  itong si Vergara dahil sa halip na siya ang manguna para tulungan ang PCSO sa pagtugis  sa mga mandarayang STL holder ay siya pa ang nangungunang nanloloko sa PCSO.

Katulong ni Vergara ang asawa at mga kamag-anak sa pagmamanipula ng kubransa na ipinapasok ng kanilang bookies.

Sa halip na totoong koleksyon ang kanilang ireremit  sa PCSO ay 10 % lang ang itataya ng mga ito at ang  matitira ay itataya nila sa kanilang bookies.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.
Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply