Demolition job ang ginagawa kay LTO chief

ISA sa pinakamasakit sa isang tao ang maakusahan siya nang walang katotohanan. Yun bang nagtatrabaho ka na ng matuwid para sa taumbayan at pamahalaan ay may ilan namang bumabaluktot ng ilang bagay ukol sa iyo  dahil lang sa kanilang pansariling interes.

Ganito ngayon ang nagaganap kay LTO chief Virginia Torres  na personal na kinuha ni Pang. Noynoy para mamuno sa LTO noong Hulyo 2010. Agad namang umupo si Torres para sa pagsasa-reporma sa isa sa mga corrupt at graft-ridden agency ng gobyerno.

Kitang-kita na sa ginagawang pagsunod ni Torres sa “Tuwid na landas” na nilalakaran ni PNoy ay pilit na inililihis naman ito ng grupo at indibiduwal na pailalim na kumikilos sa LTO pagkat nasasagasaan sila ng ginagawa nilang reporma.

Kaya naman hindi na tayo nagtataka na sa simula pa lamang ng pagka-upo ni Asec sa LTO, sari-sari nang pag-atake at pamemersonal ang ibinabato sa kanya para wasakin siya.

Siyempre pa, kapag hindi na nakayanan niTorres ang mga patutsada sa kanya dahil siya ay babae at inaakalang mahina, kusa na lang siyang magbibitiw na ikatutuwa naman ng mga taong ayaw siyang magtagal sa LTO. Kung inaakala ng mga gumigiba kay Torres na masyado siyang naapektuhan sa mga pag-atake sa kanyang pagkatao, puwes nagkakamali sila!!!

Sa halip lalong nagbigay ito ng motibasyon sa hepe ng LTO na supilin ang mali at gawin ang tama na siyang nais ni PNoy. Kitang-kita na sobrang gigil kay Torres ang kanyang mga detractor na desperado siyang mapatalsik sa ahensya at kung ano-ano nang “Full-blown offensive” ang ginagawa ng mga ito para sa idiscredit siya.

Kung matatandaan nyino, una nang kinakaladkad ang pangalan ni Torres sa driver’s license contract controversy dahil kinatigan niya ang naunang rekomendasyon ng LTO technical working group.- Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply