Dengue cases tataas pa

NAGPAHAYAG ng pagkabahala kahapon ang Department of Health hinggil sa posibilidad na tumaas ang bilang ng dengue cases sa bansa kasunod ng nararanasang paminsan-minsang pag-ulan.

Kasabay nito, pinayuhan ni Dr. Vito Roque, Jr., medical specialist IV ng DOH-National Epidemiology Center, ang publiko na mag-   ingat para hindi maging biktima ng naturang nakamamatay na sakit.

Ayon kay Roque, inaasahan na nila ang pagdami ng mga kaso ng dengue lalo na’t umuulan paminsan-minsan at may nangyayaring biglaang pagbaha.

Idinagdag pa ng kalihim na hindi dapat na ipagsawalambahala ng publiko ang dengue dahil marami na ang nasawi dahil dito.

Wala pa rin aniyang bakuna o lunas na natutuklasan para labanan ang dengue kaya’t ang pinakamabisang paraan pa rin para masugpo ito ay ang pagtiyak na malinis ang kapaligiran at walang lugar na maaaring pamahayan ang mga dengue-carrying mosquitoes.

Batay sa tala ng DOH, lumilitaw na mula Enero 1 hanggang 15 ay umaabot na sa 1,340 ang kaso ng dengue sa bansa at tatlo sa mga ito ang nasawi. –Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply