Depensa Bill para sa climate change isasalang na sa plenaryo

INENDORSO ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, non-governmental organizations (NGOs) at akademiya ang panukala kung saan kukunin ang pondo para sa programa ng pamahalaan at mga komunidad na tutugon sa nagbabagong klima at panahon, ulat ng House Committee on Ecology na nagtakda ng deliberasyon sa plenary.

Ang panukalang People’s Survival Fund (PSF) ay tatawaging “Depensa bill”, na inaprubahan na sa komite sa pamumuno ni Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento.

Layon ng panukalang House Bill 3628 na pangunahing iniakda ni Deputy Speaker Lorenzo Tañada na amyendahan ang Republic Act 9729 o Climate Change Act of 2009.

Sinabi ni Sarmiento na isa sa mga mapagkukunan ng pondo para sa programa ay ang Disaster Risk Reduction and Management Act, na tumutugon sa epekto ng mga kalamidad subali’t hindi nakikita ito ng mga lokal na pamahalaan.

“Kailangan nating palakasin ang RA 9729 upang matugunan ang lahat ng pangamba ng mga lokal na pamahalaan, ngayong nailipat na sa kanila ang kapangyarihan ng mga batas pangkalikasan tulad ng Clean Air Act, Clean Water Act at Solid Waste Management Act na ipinasa sa Kamara”, dagdag ng mambabatas.

Ayon kay Tañada, “ang People’s Survival Fund ang tugon sa kakulangan ng pondo ng mga mahihirap na lokal na pamahalaan at komunidad na inilalaan ang kita sa mga pangunahing serbisyo tulad ng kalusugan at edukasyon.”

Nais lamang linawin ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado, isa sa mga may-akda ng panukala, na hindi dapat maihalintulad ang probisyon ng pondo sa tungkulin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may mandato sa ilalim ng RA 10121, na ihanda ang mga lokal na pamahalaan sa epekto ng pagbabago ng klima. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply