Deployment ng OFWs sa Libya, Bahrain at Yemen sinuspinde

PINASUSPINDE na rin ng Department of Labor and Employment ang pagproseso ng working contracts at deployment ng mga Filipino workers na patungong Libya, Bahrain at Yemen sa harap ng umiigting na political tensions sa nabanggit na mga bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Edwin Lacierda, ang nabanggit na desisyon ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz ay alinsunod sa ipinalabas na travel warning kahapon ng Department of Foreign Affairs.

“We were informed by Sec. Baldoz that she has today ordered the deferring of processing contracts and deployment to Bahrain, Libya and Yemen of overseas Filipino workers due to travel advisories issued by the DFA,” ani Lacierda.

Pinulong na rin ni Sec. Baldoz ang iba’t ibang recruitment agencies para ipabatid ang bagong advisory ng pamahalaan.

Kasabay nito, nagtalaga na rin ng hotline numbers ang Malacañang para sa mga kababayan na naiipit ng malawakang tensyon sa Middle East.

Patuloy namang nakamonitor ang Malakanyang sa tensyon sa bansang Libya.

Nauna rito, tiniyak ng Malakanyang na ang Egypt ang isa sa mga kinukonsiderang exit point ng mga OFW na posibleng ilikas.- Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply