Derby Ace vs Rain or Shine sa main game ng PBA double-header

MAGSASAGUPA ngayong Linggo, Pebrero 20, ang Derby Ace Llamados at ang bagong bihis na Rain Or Shine Elasto Painters sa pagbabalik ng laro ng PBA Commissioner’s Cup sa Metro Manila.

Pangungunahan ang double-header ng panimulang bakbakan sa pagitan ng Powerade at Alaska Aces sa ika-lima ng hapon.

Ang twin-bill ay kasunod ng isang out-of-town game sa pagitan ng Philippine Cup third placers Ginebra Gin Kings at ng Meralco Bolts sa Ilocos Norte Centennial sa Laoag City na kung saan nagpasikat ang dalawang import ng magkabilang team.

Maagang nakaalagwa ang Gin Kings sa first quarter tungo sa paglagot sa linya ng Bolts, 115-98.

Si Ginebra import Nate Brumfield ay pumuntos ng 32, humablot ng 11 boards at nagbigay ng walong assists sa kanyang PBA debut samantalang si Tony Dandridge ng Bolts ay nagtala ng 30 puntos na sinusugan nina Asi Taulava ng 23 at ng bagong lipat mula sa Rain Or Shine na si Sol Mercado na nag-ambag ng 19.

Sina Mark Caguioa, Willie Miller, Ronald Tubid at Eric Menk ay nagtuwang sa kabuuang 59 puntos para tuluyang isalampak ang Bolts. RT

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply