Desisyon sa PBA coverage sa Pebrero 9 na

ILALABAS sa Miyerkules, Pebrero 9 ang desisyon hinggil sa coverage ng 36th season ng Philippine Basketball Association (PBA), kung mananatili ba ito sa Solar TV channel 9 o lilipat na sa Studio 23 ng ABS-CBN.

Ayon kay Atty. Chito Salud, isang PBA commissioner sa Miyerkules ibibigay ng board of governors ang kanilang desisyon ukol sa TV coverage ng naturang liga.

Sinabi ni Salud na pinag-aaralan pa nila ang legal repercussions kaugnay sa plano ng Solar TV na i-co-produce ang liga sa Studio 23 simula sa second conference ngayong buwan hanggang sa matapos ang 36th season ng liga sa Agosto (2011).

“We want to make sure that we are all legally covered and that’s the board’s decision.” sabi ni Salud. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply