DFA nag-sorry sa kaanak ng mga naiipit na Pinoy OFWs

HUMINGI ng pang-unawa at paumanhin ang Department of Foreign Affairs sa mga kaanak ng mga naiipit na Pilipino sa ibang bansa sa umano’y mabagal na aksyon ng pamahalaan.

Sa isang panayam, nanawagan si Foreign Affairs Assistant Secretary Ed Malaya sa lahat na maging mahinahon at mapagpasensiya dahil ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng hakbangin upang matulungan ang mga naiipit na kababayan sa mga bansang Libya, Yemen, Bahrain at New Zealand.

Ayon pa sa tagapagsalita ng kagawaran, nagkasabay-sabay ang krisis sa mga nasabing bansa kaya nararapat lamang na maging mahinahon ang lahat.

“Kami ay humihingi ng kaunting palugit sa ating kababayan, kaunting oras para umapekto ang ating mga hakbangin at tiyaklin ang kaligtasan ng ng ating mga kababayan,” pahayag pa ni Malaya.

Anila, tatlong grupo ng mga opisyal ng embahada ang nasa Libya na upang tulungan ang mga Pilipinong nais tumakas sa madugong kilos-protestang isinasagawa ng mga Libyan upang pababain sa puwesto ang kanilang pangulong si Moammar Ghadaffi.

Nakikipagtulungan na rin ang kagawaran sa mga opisyal ng pamahalaang New Zealand upang mailigtas pa ang 14 na Pilipinong naipit sa gumuhong gusali ng Canterbury TV sa Christchurch, NZ. Freddie Cortez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply