‘Di pagkakaunawaan ng RP-Taiwan dapat maayos agad – Estrada

KAILANGAN na umanong magawan ng paraan ng mga kinauukulang ahensiya ang hindi pagkakaunawaan ng Pilipinas at Taiwan upang maayos na ang problema.

Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, dapat na itong maayos bago pa umano tuluyang lumaki ang hindi pagkakaunawaan ng bansa at Taiwan.

Nag-ugat ang misunderstanding ng dalawang bansa ng ipa-deport ng Pilipinas ang 14 Taiwanese sa bansang China.

Matatandaan na ang mga naturang Taiwanese ay inaresto kasama ang 10 Chinese Nationals na inakusahan ng swindling ng umaabot sa US$20 million sa international scam na ang target ay ang mainland China at nahaharap ang mga ito sa kasong kriminal sa bansa.

Kasunod ito ng paliwanag ng Malakanyang na ang mga inaresto ay pina-deport sa China dahil sa may kinakaharap nga itong kaso sa naturang bansa at ang mga biktima ay mga naka-base na rin China ayon sa nakalap sa ebidensiya.

Ayon kay Estrada, nakakaalarma ito dahil sa ang Taiwanese government ay patuloy na nagpro-protesta dahil sa ginawang deportation ng Pilipinas na posibleng maging dahilan ng suspensyon ng mga Filipino workers at mapatigil ang investments sa bansa.

“The reported reactions of the Taiwanese government because of the incident could adversely impact on our economy and our overall relations with Taiwan, but most especially, on our kababayans who are working there and those who are seeking jobs overseas,” ani Estrada.

Kinalampag na rin ng senador si Labor Secretary Rosalinda Baldoz. Dapat umano itong personal itong makipag-ugnayan sa Taiwan government.

Base sa impormasyon ang  Taiwan  ang itinuturing na isa sa top 10 destinations of OFWs  at umaabot sa may  80,000 hangang 100,000 Filipino workers nag nagtatrabaho rito. Vicky Cervales

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply