Diesel vs liquified petroleum gas

MAY nagsasabing pu-puwede nang gumamit ang mga dyipni natin ng liquified petroleum gas sa mga susunod na panahon.

May gumagawa na ng mga kumbersyon kit para matulad ang mga dyipni sa mga taxi na gumagamit ng LPG.

Malaki umano ang matitipid ng mga operator at drayber sa LPG dahil nasa P28 kada litro lang ito habang nasa P41 na ang diesel. Ang matitipid ay siya na ring kikitain ng mga operator at drayber at maaari silang mag-usap ng panibagong hatian sa kita.

Ngayon naman, Suki, naglalaro sa P25,000-P35,000 ang kumbersyon ng mga taxi mula sa gasolina tungo sa LPG. Magkano naman ang sa dyipni?
Nahaharap sa malaking problema ang mga operator.

oOo

Heto naman ang kuwento ng mga operator at drayber kaugnay ng mga pagbabago sa mga taxi. Dumarami ang ayaw gumamit ng LPG at mas gusto nila ang gasolina.

Bakit? Dahil ang mga bagong sasakyang pantaksi ay puro matitipid sa gasolina.

Malayo pang mas malakas at matulin ang de gasolina kumpara sa mga gumagamit ng LPG.

Ang mga gumagamit umano ng LPG ay bagot na bagot sa takbo ng kanilang mga sasakyan dahil mahina sa arangkada at hindi makatakbo ng matulin. Marami rin ang nakararanas na bagama’t mas mura ang LPG kaysa gasolina, pareho rin ang konsumo nila.

oOo

Isa pang punto.

Sakaling gumamit ang mga jeepney ng LPG, marami ang naniniwala na tataas din ang presyo ng LPG dahil ugali ng mga kumpan-yang langis na magtaas ng presyo sa kanilang  produktong mabili.

Saan mo man tingnan ang usaping ito, ang mga kumpanyang langis pa rin ang magkakamal ng kita at hindi ang mga operator at drayber.-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply