Digital wood moisture meter ng FPRDI

INAASAHANG makikipagsabayan na sa world market ang  ‘world class quality’ ng mga produktong muebles (furnitures) mula sa kahoy at kawayan sa Pilipinas sa pagkakatuklas ng digital wood moisture meter ng Forest Products Research and Development Institute (FPRDI), isang ahensiya ng Department of Science and Technology (DOST).

Binabasa ng wood moisture meter ang moisture content o tubig na taglay ng raw materials ng Philippine wood species mula 6 hanggang 26 porsiyento.

“Knowing how much moisture is present in one’s raw materials is key to making quality wooden furniture, builders’ woodworks and handicrafts. The moisture content of wood products bound for temperate countries must be low enough (about 7-10%) so that these products do not distort, shrink or crack while in service. Otherwise, they may have to go thru very expensive repair jobs,” ayon kay Dr. Marina Alipon ng FPRDI, isa sa pangunahing mananaliksik nito.

Ayon kay Alipon, ang wood moisture meter ay dinisenyo bilang tugon sa pangangailangan ng maliliit na mamumuhunan sa industriya ng furnitures.

“We wanted an alternative to the imported wood moisture meters in the market. Imported meters were not made to read local wood species and have to be recalibrated to give reliable readings; recalibration costs around Php 2,500 per species and takes time. Also, they cannot be readily repaired when they break down as their spare parts have to be sourced abroad.

Ang  FPRDI meter ay gawa sa lokal na piyesa at ito ay mas mura ng mula sa P10,000 hanggang P15,000 kada unit kesa sa imported bersiyon nito sa halagang P5,500 kada unit.

Naungusan ng FPRDI digital wood moisture meter ang 12 iba pang entries bilang  Outstanding Utility Model category sa 2010 National Invention Contests and Exhibits.

Maliban kay  Dr. Alipon kasama din nito ang 2 pang mananaliksik na sina Engr. Gil Dolotina, Engr. Grecelda Eusebio, Gerwin Guba and Alvin Retamar na tumanggap ng parangal.

Ang wood moisture meter project is ay  joint venture ng FPRDI,  Advanced Science and Technology Institute (ASTI) at  Alexan Trading. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply