Dina Bonnevie inggit kay Eugene Domingo

MULING nagkita sina Dina Bonnevie at Eugene Domingo sa isang pressco. Matatandaan na segment host lang ni Ms D si Uge noong mayroon pa siyang talk show na “D! Day” sa GMA 7.

Nagpupunta si Uge sa iba`t-ibang bahay para alamin kung nanonood pa sila ng show ni Ms D pero ngayon ay mas sikat pa sa kanya ang dating segment host niya.

Sa halip na ma-insecure ay natuwa pa si Ms D sa naging success ni Uge at hindi raw niya akalain na darating ang ganoong estado ng career ng dati niyang segment host.

“I am overwhelmed by what`s happening to Eugene`s (Domingo) career. Imagine from being just a segment host before, ngayon ay leading lady status na siya? It`s amazing thing and I am so happy. Masasabi ko na naging part ako ng pagiging celebrity ngayon ni Eugene,” pagmamalaki ni Dina B.

Reaction ni Ms. D na mas malaki pa ngayon ang pangalan ni Uge kaysa sa pangalan niya sa poster ng isang pelikula.

“Dapat lang naman kasi special participation lang talaga ako sa movie. But I am so happy na yung name ni Eugene is nasa taas na. And she`s paired with these gorgeous hunks. Nakakainggit siya.

“But you know what, Eugene deserves it kasi she worked hard for it all. Sa “D Day noon ay napapanood ko siyang takbo nang takbo, chika siya ng chika sa mga pinupuntahan niya. She has that drive to make it at marami kaming natutunan sa success niya,” pahayag pa ni Ms D.

First time din nakasama ni Ms D sa movie sina Anne Curtiz at Luis Manzano. Anak kung tawagin ni Dina si Anne dahil naging syota ng anak niyang si Oyo Boy Sotto ang mestisang actress.

Masaya si Ms D sa tinatamasang tagumpay sa showbiz ni Anne at alam niyang malayo pa ang mararating ng muntik na niyang maging daughter in law.

MAG-AMANG JOEY AT KEEMPEE, MAGKASAMA SA TV5

Magkasama ang mag-amang Joey at Keempee de Leon  sa ginanap na bonggang launching ng mga bagong shows sa Sunday noontime block ng TV 5 kamakalawa sa Broadway Centrum.

Tatlong magagandang program ang hatid ng Kapatid Network simula ngayong Linggo, February 27. Una ay mala-Wiped Out na game show, ang Pinoy Samurai hosted by Mr Joey de Leon kasama sina Wilma Doesnt na pangalan ay Itimpura, Mr Fu na tinawag naman na Gaysha at Rufa Mi na tatawaging Kimonay. Kasama rin nila si Tinny na mala-sumo wrestler ang katawan.

Every week ay may 30 contestant na maglalaban-laban para sa titulong Pinoy Samurai na mapapanood mula 12:00 nn to 1:00 pm tuwing Sunday.

Si Keempee de Leon naman ay magiging co-host ni Eugene Domingo sa variety game show na Lucky Numbers na kung saan makakasama rin nila ang mga seksing sina Mocha Uson, Wendy Valdez, Jon Avila, Andrew Wolfe, Jan Nieto, Regine Tolentino atbp.celebrity guest.

Pagkatapos ng Lucky Numbers at 2:00 p.m., papasok naman ang programang Fantastik na tatampukan ng mahigit 40 artists sa pangunguna ng Star Factor finalists at top 4 Star Factor winners, Alex Gonzaga, Kean Cipriano, JC de Vera, Danica Paner, Rodjun Cruz, Gerald Santos, atbp mula sa direction ni Al Quinn.

Nakatsikahan namin si Keempee bago ang launching ng Sunday noontime Block ng TV5 at ayon sa actor./TV host/ comedian bukod sa game show Lucky Numbers ay may sitcom din siya sa TV5 na kung saan ay isang closet guy uli ang role niya.

“Wala naman problema kung laging gay role ang ibinibigay nila sa akin. Tingnan mo nga sina Tirso Cruz at Bembol Roco tumanggap na rin ng gay role. Ako pa na mas nakilala Harold nang tumanggap ng gay role.

“Cute ang role ko sa bagong sitcom namin sa TV5. Anak ako dito ng Dean sa school at hindi alam ng mga kapwa ko mag-aaral na isa akong gay, maliban sa mga kasamang kong magagandang dilag na lahat ay mga beauty queen.

“Maiinggit sa akin ang mga boys na gustong pumorma sa mga magagandang dilag na laging kasama ko pero sa kanila ay ilag na ilag. Hindi nila alam na buking ng mga girls na kasama ko na ako ay isang girlista. Maging ang ama ko na Dean sa aming school ay walang nakakaalam na ako ay isang bading,” natatawang tsika ni Kimpoy. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply