Dingdong nagselos sa ex-BF ni Marian kaya out sa ‘Amaya’

NATAWA at akala ay di seryoso ang ilang reporter nang tanungin si Dingdong Dantes na pinagseselosan daw niya ang ex-boyfriend ni Marian Rivera na si Ervic Vijandre kaya hindi ito nakasama sa bagong serye ni Marian na “Amaya” bilang isa sa leading man.

“Walang ganoon. Kahit sino ipartner kay Marian ay okey lang sa akin. Ang management ng GMA 7 ang nakakakaalam kung sino ang dapat isama sa isang show,” say ni Dingdong.

Napag-usapan na raw nila ni Marian na darating ang araw na may gagawa ng isyu sa kanila ng ex-boyfriend. Pero tinawanan lang ng dalawa dahil secure na secure sila sa isa`t-isa.

Ganoon din naman si Marian na kung darating ang panahon na si Dong naman ang ipartner sa naging ex-gf nito ay wala rin magiging problema sa actress.

Kaya hindi kami magtataka kung one of these Sundays ay maging guest si Ervic sa Show Me Da Manny sitcom nina Marian at Manny Pacquiao sa GMA7 dahil talent na rin ng Siyete ang ex-boyfriend ni Marian.

This week nga ay mala-spoof ng Baker King ang tema ng sitcom na ginampanan ni Rocco Nacino si Tak Gu while ang Pande`y si Sef Cadayona.

Kaya magkakaroon ng baking session na guguluhin ng SMDM barkada na sina Marian, Lovi Poe, Gladys Guevarra, John Lapuz atbp.

Samantalang darating ng Pinas ang Korean star at bida ng Baker King at who knows baka makasama rin ni Marian ito para sa isang teleserye.

************

In demand ngayon si Vic Sotto sa pagiging product endorser. Malakas talaga ang appeal sa publiko ni Bossing Vic.

Hindi naman kasi maipagkakaila na malaking bahagi ng popularidad ni Vic ay ang paglabas nito sa daily noontime show niyang Eat Bulaga kung saan big hit ang segment na Juan for All kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Mistula kasi siyang Santa Claus na namimigay ng pera at nagbibigay saya at pag-asa sa mapapalad na viewers ng EB, na pinupuntahan ng Dabarkads.

Pero ang maganda ay hindi naman sino-solo ni Bossing Vic ang kredito kung bakit patuloy na tinatangkilik ang EB dahil binibigyan nila ni Joey de Leon ng moment ang kanilang mga co-host na sina Allan K, Anjo Yllana, Ruby Rodriquez, Paolo Ballesteros, Julia Clarete, Pauleen Luna, Toni Rose Gayda atbp. Lahat sila ay may kanya-kanyang ambag para sa show. Walang sapawan at tension kaya smooth ang takbo ng noontime.

Pero may nagtatanong kung ang pagiging malapit ngayon ni Vic sa masa ay bilang preparasyon sa pagpasok na rin nito sa politics sa susunod na election?

At kung balak na rin sundan ni Vic ang yapak ng kanyang Kuya Tito Sen ay walang duda na maraming supporta sa kanya kahit anong posisyon ang takbuhan.

***********

Balik sa pagbibida si Nadine Samonte sa bagong afternoon drama series ng GMA 7, ang My Mistress, My Wife na dating titulo ay Moral.

Dapat kasama rin sa cast ng Magic Palayok si Nadine bilang kontrabida sa loveteam nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann pero mas maganda ang project na ibinigay sa kanya na bida siya kasama si Maxene Magalona.

Matagal din namahinga sa showbiz si Nadine. Huli niyang project sa GMA 7 ay Endless Love kontrabida kay Marian Rivera.

“For a change, hindi ka yung madrama na umiiyak. Ikaw na yung nagpapaiyak sa kanila. Kahit naman dito sa gagawin ko bagong series, bida-kontrabida ako..Gusto ko na kasing gawin yung mga ganyang roles na nakaka-challenge,” say ni Nadine.

Turning 23 years old na si Nadine sa March 2, kaya okey na sa kanya ang tumanggap ng roles na mapag-eeksperimentuhan niya.

Kumusta naman ang lovelife niya na balitang on the rock ang relationship nila ng boyfriend na si Emerson Chua.

Napangiti ito at sinabing okey naman raw sila ng boyfriend na si Emerson. Medyo busy lang daw silang dalawa kaya nabawasan ang time nila together. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply