Disaster risk seminars iginiit dahil sa La Niña

PINAIGTING pa ng Rizal province ang pagsasagawa ng disaster risk reduction seminars bilang paghahanda sa pagpasok ng La Niña, iniulat Biyernes ng umaga, Pebrero 4.

Ayon sa report,  pinangunahan ni Rizal Gov. Jun Ynares III ang mga seminar sa tulong ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa mga disaster-resilient communities sa buong probinsya

Kamakailan, isinagawa ang dalawang araw na seminar na tumalakay sa “WASH Technology Transfer Training” at sa “Climate Change Adaptation” sa Kapitolyo ng Probinsya.

Ibabahagi ito sa local government units (LGUs) ng Rizal upang sila mismo ang makapaghanda sa darating na kalamidad.

Ang Rizal ang isa sa matinding tinamaan ng Bagyong Pepeng at Ondoy noong 2009, ikinamatay ng daang katao.

Ang Rizal din ang naging pangunahing lugar ng relocation site para sa mga nawalan ng bahay at sa informal settlers na na-dislocate. Nenet Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply