DLSU nakauna sa UAAP women’s volley final

SINAMANTALA ng La Salle ang pagkawala ng floor leader ng University of Santo Tomas para masikwat ang five-set win laban sa pagsipa ng best-of-three final series sa UAAP women’s volleyball sa The Arena sa San Juan.

Ipinoste ng DLSU ang 25-18, 25-20, 19-25, 16-25, 15-10 panalo matapos pulikatin si Maru Banticala ng UST sa patapos na bahagi ng laro.

Si Banticala ang gumabay sa UST para makuha ang pamatay na 21-11 lead sa fourth subalit dahil sa pagbigay ng paa ay sumalakay ang DLSU.

“Siguro kung nandun si Maru, naiba yung kuwento. Talagang sa kanya kami nahirapan. Hindi namin ma-check ang mga spikes niya sa third at fourth sets,” pahayag ni DLSU coach Ramil de Jesus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply