DLSU netters pinigil ng Ateneo

NILAGYAN ng dungis ng Ateneo ang kartada ng defending champion La Salle nang gibain ng Lady Eagles ang Archers, 3-2, sa UAAP women’s tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ang tambalang Ivy De Castro at Joanne Opulencia ay dinemolis sina Trudy Amoranto at Kirstie Barraquias, 7-6, 6-4, sa second doubles at deciding match.

Dahil sa pagkakapanalo ng Ateneo, napigil nila ang pagtatangka ng La Salle na maghari sa event sa pamamagitan ng sweep.

Samantala, sina Martina Guba at Ma. Regina Santiago ay pinaggigiba nina Ma. Akita San Andres at Jessica Lagman, ayon sa pagkakasunod, sa singles matches ng gayunding 6-0, 6-0 scores.

Ngunit ang Lady Eagles ay nakaganti nang sina Mary Grace Rivero at Nique Angelo ay rumatsada sa pagdispatsa kina twin sisters Riza at Ria Opulencia, 7-5, 6-3, sa first doubles, habang si Michelle Pang ay ginapi si Enah Baba, 6-1, 6-0, sa third singles contest.

Samantala, sa UAAP men’s volleyball, nananatili pa rin ang manipis na pag-asa ng Adamson University nang rumehistro ng 25-15, 25-10, 25-14 win laban sa University of the East sa second round action ng 73rd UAAP men’s volleyball tournament. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply