DND special fund ‘ginamit ni Arroyo’

KUNG may delicadeza si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, dapat siyang magpaliwanag sa Senado, pahayag ng isang mambabatas nitong Huwebes, Pebrero 17.

Ayon kay Gabriela Rep. Luz Ilagan, dapat ipaliwanag ni Arroyo, na ngayon ay kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga sa Kamara de Representantes, ang umano’y maling paggamit sa pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), partikular ang mahigit P251 bilyon ng AFP Special Purpose Funds (SPF).

Ang paggasta ng nasabing pondo ay nasa diskresyon ni Arroyo mula 2002 hanggang 2010.

Ani Ilagan, ang kabuuang halaga ng SPF allocation sa ilalim ng Department of National Defense buong 2003 ay umakyat sa 240 porsiyento mula sa P11.3 bilyon noong 2002 at P27.7 bilyon noong 2003.

Ito umano ang taon bago ang 2004 presidential elections na nabahiran ng “Hello, Garci” scandal na kinasangkutan ni Commissioner Virgilio Garcillano ng Commission on Elections (Comelec).

Sangkot din sa nasabing iskandalo ang maraming AFP generals, kabilang sina Army chief Lt. Gen. Hermogenes Esperon, dating Southern Command chief Maj. Gen. Gabriel Habacon, retired Lt. Gen. Roy Kyamko at retired Brig. Gen. Francisco Gudani.

Ayon sa solon, lumobo rin ang SPF allocation sa DND budget noong 2006. Ang eleksyon ay ginanap noong 2007.

Ang DND SPF allocation noong 2006 ay P35.8 bilyon, mas mataas ng P13.1 bilyon sa 2005 allocation na P22.7 bilyon.

Ani Ilagan, kahina-hinala ang timing ng nasabing paglobo ng pondo ng SPF mula sa AFP na nasa pangangalaga ni Arroyo.

Ang  SPF ay para madugtungan ang regular na badyet ng DND na kailangang ang pag-apruba ng Pangulo. Nenet L. Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply