DOE nakiramay sa pamilya ni Reyes

SAMA-SAMANG nagpahayag ng pakikidalamhati ang mga kawani ng Department of Energy (DOE) sa pagpanaw ni dating Energy Secretary Angelo Reyes, Martes, Pebrero 8.

Inilagay sa half-mast ang bandila sa tapat ng tanggapan ng DOE kasunod ang pag-aalay ng kandila sa loob ng gallery ng kagawaran.

Ipinarating ni Joel Jorge Gaviola, chief public information officer ng DOE, na lubhang ikinalulungkot ng mga kawani ng DOE ang pagpanaw ng dating kalihim nila.

Aniya, kasama ng buong pamilya ng nasirang kalihim ang lahat ng kawani sa pagdadalamhati.

Nakatakda namang magsagawa ng misa sa DOE ang mga tauhan sa Biyernes, Pebrero 11 para sa dating kalihim.  Benedict Abaygar Jr.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply