DOJ sa NBI: Recruiters ng drug couriers hulihin

INATASAN ni Justice Secretary Leila de Lima ang National Bureau of Investigation (NBI) na tugisin ang sindikato na nagre-recruit sa mga Pinoy upang maging drug courier sa ibang bansa.

Ang kautusan ng kalihim ay inilabas sa gitna ng napipintong pagbitay sa Lunes, Pebrero 21, ng tatlong Pinoy sa China matapos silang mahatulang “guilty” sa kasong drug trafficking.

Sinabi ni De Lima na inatasan na niya si NBI director Magtanggol Gatdula na hanapin ang recruiter ni Sally Villanueva, ang isa sa tatlong Pinoy na nakatakdang bitayin sa China.

Ibig ng Department of Justice (DOJ) na mapagkilanlan ang iba pang recruiter at miyembro ng sindikatong responsable sa pagpapadala ng mga droga sa mga papalabas na overseas Filipino worker (OFW).

Ang kautusan ni De Lima ay bilang pagsunod sa kautusan ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na arestuhin ang mga miyembro ng sindikato dahil sa paggamit sa mga Pinoy na magdala ng droga sa ibang bansa na karaniwang nahuhuli at napaparusahan ng awtoridad sa ibang bansa.

Si Villanueva ay nahuling may dalang 4,110 gramo ng heroin noong Disyembre 24, 2008 sa Xiamen.

Dalawa pang kasama nito, na pawang nahaharap din sa parusang kamatayan, ay kinilalang sina: Ramon Credo,42, na nahulihan ng 4,113 gramo ng heroin noong Disyembre 28, 2004;  at Elizabeth Batain, 38, dahil sa bitbit nitong 6,800 gramo ng heroin sa Shenzhen noong Mayo 24, 2008.  Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply