DOJ wala nang magawa sa 3 bibitaying Pinoy

AMINADO ang Department of Justice (DOJ) na wala na silang magagawa para hindi matuloy ang pagbitay sa tatlong Pinoy sa China na nasangkot sa kaso ng drug trafficking.

Ayon kay Assistant Chief State Prosecutor Severino Gana, hepe ng Task Force Against Drug Trafficking,  kapos na sa panahon para makagawa sila ng anumang hakbang para mapababa ang hatol sa tatlong Filipino mula sa parusang kamatayan.

Ipinaliwanag ni Gana na kinakailangan ng sapat na panahon para mapakiusapan ang kanilang mga counterpart sa China upang magawan ng paraan ang kaso ng tatlo.

Kahapon lang daw umano nila nalaman ang sitwasyon nina Sally Ordinario Villanueva at 2 iba pa sa China.

Samantala, tiniyak naman ni Gana na gagawan nila ng paraan para matulungan ang lima pang Pinoy na nasa China at nakahanay din sa death penalty. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply