Roger Dominguez kinasuhan na ng paglabag sa trapiko

KINASUHAN na ng paglabag sa trapiko at usurpation of authority sa Quezon City Prosecutor Office ang sinasabing lider ng carnapping syndicate na si Roger Dominguez, Biyernes ng umaga, Pebrero 11.

Ayon sa ulat mula sa headquarters ng Quezon City Police District sa Camp Karingal, dinala si Dominguez sa piskalya ng Quezon City Hall para basahan ng sakdal sa sala ni Assistant City Prosecutor Ma. Cristina Zulueta.

Si Roger ay nakatatandang kapatid ni Raymond Dominguez, isa rin sa itinuturong lider ng carnapping syndicate na umano’y responsable sa serye ng carnapping at carjacking sa Metro Manila at karatig probinsya.

Nauna rito, si Roger ay dinakip ng operatiba ng Quezon City Police District Anti-Carnapping Unit sa Timog Avenue at Panay Avenue, dakong 12:00 ng tanghali kahapon dahil sa paglabag sa trapiko nang mag-counter flow at magpakilalang pulis.

Si Roger ay sakay ng isang silver gray na Outlander (CTF 944)  nang maaresto ng operatiba ng Quezon City Police District sa Timog Avenue at Panay Avenue.

Magugunitang itinuturo ang magkapatid na Dominguez na pumatay sa car dealer na si Emerson Lozano anak ni Atty. Oliver Lozano at driver na si Ernani Sensil at sa isa pang car dealer na si Venson Evangelista.

Nauna nang sumuko sa awtoridad sa Bulacan PNP ang nakababatang kapatid ni Dominguez na si Raymond Dominguez  matapos isangkot sa serye ng mga carnapping. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply