Donaire bantam king, No. 3 P4P – Ring Magazine

MATAPOS sumikwat ng second-round KO win laban kay Mexican Fernando Montiel, umangat ng isang hakbang si newly-crowned WBO/WBC bantamweight king Nonito Donaire, Jr. sa pound-for-pound ratings ng Ring Magazine.

Si Donaire na dating No.4 sa pound-for-pound ay No.3 na base sa pinakahuling rankings na inilabas ng nasabing magasin habang umangat ang “Filipino Flash” bilang numero uno sa bantamweight division.

Matatandaan na bago nagsagupa  ang dalawa noong Linggo,  si Montiel ang numero uno sa ranking subalit  nang malugmok ay naungusan na ito ng Pinoy ring icon.

Nasungkit ni Donaire (26-1, 18 knockouts) ang WBO at WBC 118-pound belts na hawak ng dating Mexican bantamweight king. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply